Hot Best Seller

El Indio: A Graphic Novel

Availability: Ready to download

Tagalog Graphic Novel The Sequel to Francisco Coching's Sabas, Ang Barbaro (1952), El Indio chronicles the adventures of the young mestizo Fernando, who returns to the Philippines from Spain in search of his missing father. There he joins a rebel group led by the enigmatic Kapitan Martin Castillo, who bequeths to him the salakot belonging to the infamous native outlaw Saba Tagalog Graphic Novel The Sequel to Francisco Coching's Sabas, Ang Barbaro (1952), El Indio chronicles the adventures of the young mestizo Fernando, who returns to the Philippines from Spain in search of his missing father. There he joins a rebel group led by the enigmatic Kapitan Martin Castillo, who bequeths to him the salakot belonging to the infamous native outlaw Sabas. Struggling with antagonism toward Kapitan Castillo and his love for the fiery Victoria, Fernando finally discovers the truth behind his identity in a series of explosive revelations. First serialized in Pilipino Komiks in 1953 and now restored in its splendid black-and-white entirety by Gerry Alanguilan and Zara Macandili, El Indio is reissued for the first time as a full-length graphic novel. With new material including a foreword by the artist's widow Filomena N. Coching, never-before-reprinted silent art pages, an expanded character list, and the recoloring of the original series cover art, this is the ultimate edition of a modern komiks masterpiece.


Compare

Tagalog Graphic Novel The Sequel to Francisco Coching's Sabas, Ang Barbaro (1952), El Indio chronicles the adventures of the young mestizo Fernando, who returns to the Philippines from Spain in search of his missing father. There he joins a rebel group led by the enigmatic Kapitan Martin Castillo, who bequeths to him the salakot belonging to the infamous native outlaw Saba Tagalog Graphic Novel The Sequel to Francisco Coching's Sabas, Ang Barbaro (1952), El Indio chronicles the adventures of the young mestizo Fernando, who returns to the Philippines from Spain in search of his missing father. There he joins a rebel group led by the enigmatic Kapitan Martin Castillo, who bequeths to him the salakot belonging to the infamous native outlaw Sabas. Struggling with antagonism toward Kapitan Castillo and his love for the fiery Victoria, Fernando finally discovers the truth behind his identity in a series of explosive revelations. First serialized in Pilipino Komiks in 1953 and now restored in its splendid black-and-white entirety by Gerry Alanguilan and Zara Macandili, El Indio is reissued for the first time as a full-length graphic novel. With new material including a foreword by the artist's widow Filomena N. Coching, never-before-reprinted silent art pages, an expanded character list, and the recoloring of the original series cover art, this is the ultimate edition of a modern komiks masterpiece.

38 review for El Indio: A Graphic Novel

  1. 4 out of 5

    K.D. Absolutely

    Mahigit isang dekada bago ako ipinanganak noong lumabas ng dugtungan sa Pilipino Komiks ng Atlas Publishing ang nobelang ito ni Francisco V. Conching, El Indio. Taon 1953, walong taon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kahit hindi ito tungkol sa digmaang iyon, ang katauhan ng pangunahing bida na si Don Fernando Basco de Alava, isang kastila na may dugong Pilipino na siya ring tinaguriang El Indio, ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa katarungan, katotohanan at karapat Mahigit isang dekada bago ako ipinanganak noong lumabas ng dugtungan sa Pilipino Komiks ng Atlas Publishing ang nobelang ito ni Francisco V. Conching, El Indio. Taon 1953, walong taon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kahit hindi ito tungkol sa digmaang iyon, ang katauhan ng pangunahing bida na si Don Fernando Basco de Alava, isang kastila na may dugong Pilipino na siya ring tinaguriang El Indio, ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa katarungan, katotohanan at karapatang pantao. Sariwa pa marahil sa ala-ala ng mga Pilipino ang pagtulong ng mga Amerikano upang mapalaya ang mga Pilipino sa kapangyarihan ng mga Hapones, kung kaya’t tinanggap ng mga mambabasa ang ideya na isang dayuhan ang bida ng nobelang ito. Sa Panimulang sanaysay ni Gerry Alanguilan, na siyang ring may-akda at gumuhit ng nobelang komiks sikat ngayon, ang Elmer, pinagsikapan niyang i-restore ang seryeng ito sapagka’t humahanga siya sa mga likha ni Francisco V. Conching. At nais ni Alanguilan na ipakilala rin sa mga kabataan ang mga likha ng isang henyong dibuhista at manunulat sa komiks na kagaya ni Conching. Kahit ako na na-adik sa komiks noong 1970’s, ang mga natatandaan kong binabasa ko ay mga dugtuhang nobela nina National Artist of the Philipines Carlo J. Caparas (Panday, Bakekang, Totoy Bato, Joaquin Burdado), Larry Alcala (Slice of Life, Kalabog en Bosyo), Jim Fernandez (Zuma), Mars Ravelo (Darna, Dyesebel, Captain Barbell, Lastikman, Bondying, Varga, Maruja, Roberta, Jack en Jill at Flash Bomba) at marami pang iba. Totoong mayaman ang mga panitikang likha ng komiks lalo na noong makatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sapagka’t ito, maliban sa radyo, ang pangunahing libangan ng mga tao noon lalong na iyong mga walang pambili ng telebisyon o nakatira sa lugar na walang kuryente. Kagaya sa isla sa probinsya kung saan ako lumaki noong 1970’s. Kung kaya’t ang restorations na ginagawa ni Alanguilan para sa mga likha ni Conching (at kung sino pang maiiisipan nya) ay isang proyektong dapat tangkilikin at pahalagahan ng sinumang nagmamahal sa panitikang Pilipino. Ang El Indio ay sequel ng naunang nobelang dugtungan ni Conching na Ang Barbaro nguni’t maaari mo pa ring magustuhan o maintindihan ang El Indio kahit hindi mo pa nabasa ang una. Ang kasaysayan ay umiinog sa isang kastilang anak ng isang viscondezang nakatira sa Madrid na nabuntis ng isang Pilipino, si Barbaro habang siya ay nasa Pilipinas. Naging bunga ng pagmamahalan nila si Don Fernando na sa pagnanais makilala ang kanyang ama ay pumunta sa Pilipinas at doon ay nahulog ang loob sa isang Pilipinang si Victoria Rivera na may itinatagong pagkatao. Sa Madrid, bago pumunta sa Pilipinas si Don Fernando ay nakilala rin niya si Felipe San Juan (o si Juan Luna ang pintor ng bantog na Spolarium at siya at isa sa mga itinuturing na isa sa mga bayani ng Pilipinas). Maganda ang kuwento kahit may mga hindi kapani-paniwala kagaya ng tatas sa pagsasalita ng Tagalog ng mga kastilang tauhan at ang hindi lubhang pulidong pagkakapinta ng mukha ng mga tauhan. Nguni’t dapat unawain na ang nobelang ito ay sinulat upang aliwin ang mga mambabasa at hindi upang isiwalat ang isang tunay na kasaysayang naganap noong panahon ng Kastila sa Pilipinas. Hindi rin mahalaga ang consistency sa mga mukha ng mga tauhan mula sa isang labas hanggang sa susunod dahil ito ay nobelang dugtungan at kung hindi isina-aklat na kagaya nito ay maaaring hindi mapansin at siguradong di mapupulaan. Pangalawang nobelang komiks na nabasa ko na sinulat at isinalarawan ni Francisco V. Conching at saludo ako sa kanya. Saludo rin ako’t nagsasabing lagi kong tatangkilikin ang iyong mga akda, Gerry Alanguilan. Ikinagagalak ko ang ginagawa mong restorations ng mga ginintuang nobela sa komiks. Mabuhay ka!

  2. 5 out of 5

    Jedi JC Daquis

    Ang El Indio ni Francisco V. Coching ay tunay na sumasalamin sa higit na kalinangan at yaman ng ating wikang Pilipino, kahusayan ng ating lahi sa pagguhit at pagsulat sa komiks at ang hindi matawarang kagandahan ng asal at kalooban ng ating lahi - salamat kay Gerry Alanguilan na siyang bumuhay sa obrang, kasama ang Vibal na muling naglimbag sa nobelang ito. Labis akong natuwa sa pagbabasa ng El Indio na siyang kinatatampukan ni Fernando, isang meztisong bumalik sa Pilipinas upang hanapin ang kany Ang El Indio ni Francisco V. Coching ay tunay na sumasalamin sa higit na kalinangan at yaman ng ating wikang Pilipino, kahusayan ng ating lahi sa pagguhit at pagsulat sa komiks at ang hindi matawarang kagandahan ng asal at kalooban ng ating lahi - salamat kay Gerry Alanguilan na siyang bumuhay sa obrang, kasama ang Vibal na muling naglimbag sa nobelang ito. Labis akong natuwa sa pagbabasa ng El Indio na siyang kinatatampukan ni Fernando, isang meztisong bumalik sa Pilipinas upang hanapin ang kanyang ama na siyang lalaking nagdulot ng kahihiyan at hinagpis sa kanyang ina sa kanyang pagbabalik sa Espanya. Marahil ang buong kwento ng El Indio ay tigib ng mga temang palasak na sa literatura - pag-ibig, paghihiganti, karangalan, bakbakan; ngunit ang bawat tema ay mahusay na itinatanghal sa paraang maayos, intelektwal at tunay na maipagmamalaki. Ito ang tipo ng literatura na dapat basahin ng mga mag-aaral at guro para sa diskursong pang-akademiko o ng sinumang mambabasang nais mamangha sa ating komiks. Walang kapansin-pansing bago sa El Indio. Alam mo na ito'y magwawakas nang maganda at masaya. Kung sabagay, ito ay orihinal na nailimbag noong 1953, kaya marahil ang laos na ngayon ay bagong-bago noong panahong iyon. Gayunpaman, malalim ang kwento nito, malalim sa damdamin, katuwiran at wika. Halimbawa, kung ating maririnig ngayon ang "busilak ang kalooban" ng isang tao, ito ay isinasabuhay sa kulturang popular bilang isang taong mabait (na madalas ay bata), inosente, nagpapaapi, matulungin, mahina, madasalin at kung kahit anong daluyong ang kanyang kakaharapin ay siya niyang mapagtatagumpayan sapagkat ang taong may busilak na kalooban ay ginagabayan ng Diyos. Si Fernando at ang ilan pang mga tauhang Pilipino, pati na rin ang ilang Kastila ay mayroong busilak na kalooban - at sila'y matapang, maginoo, marangal, malakas, may pananampalataya (rin). Sila ay lohikal mag-isip. Iyon ang malaking kaibahan! Kadalasang ang bida ngayo'y kulang ang lohika at mababaw, ngunit hindi sa El Indio. Isa pa ay ang mga salitang "mula sa kaibuturan ng puso". Malakas at tunay na damdamin ang naibibigay ng nobela, taliwas sa ating nababasa at lalo na sa napapanood ngayon. Sa bawat pahina ng El Indio, mayroong isa o dalawang salitang akong natututunan: sumikil, imbi, umigtad, aaglahi, yumukod, nasukol at marami pang iba! Grabe, napakayaman lang ng ating wika. Makailang ulit na tayong nakapanood ng lumang pelikulang Pilipino at tumawa habang nagsasalita sa paraang inaakala nating malalim na Tagalog, ngunit ganoon pala talaga ang paraan ng pakikipag-usap noong araw. (..Soweiz mga Bhoxz., Hehheeheeh,,.. whaLa jeJemon pHa.. haix..) Nais kong makabasa muli ng komiks na ang estilo ng pagguhit ay tulad ng El Indio. Nakakamangha ang detalye nito. Nararapat na sabihin ang ilan dito tulad ng pananamit ni Fernando bilang matador, ang bahay ng Vizcondesa sa Espanya at ang maaksyong paghaharap ng dalawang tauhan (na silang hindi ko babanggitin). Tunay na napakahusay ni Coching sa kanyang mga ilustrasyon. Bagaman hindi nito sinasabi na mas mababa ang kalidad ng talento ng ilang mangguguhit natin tulad nina Alanguilan at KaJo Baldisimo. Lahat sila ay kapwa magagaling sa kani-kanilang estilo. Hinihikayat kong basahin ninyo ang El Indio. Salamat Francisco V. Coching, tunay kang maipagmamalaki.

  3. 5 out of 5

    Maria Ella

    (Performatura preparations)

  4. 5 out of 5

    Blessie Enriquez

    Nice

  5. 4 out of 5

    Cesar Inocencio

    Aside from the stunning illustrations, it was an easy read and hard to put down the book till the last page. Another feather on the cap for Filipinos worldwide.

  6. 5 out of 5

    Komiks Reader

  7. 4 out of 5

    Pamela Gauthier

  8. 5 out of 5

    ImGodLeAdEr:)

  9. 4 out of 5

    Princess

  10. 4 out of 5

    Marshy

  11. 4 out of 5

    Josh Limpin

  12. 4 out of 5

    Jansen Valenzuela

  13. 4 out of 5

    Melbourne Paano

  14. 5 out of 5

    Joshua

  15. 5 out of 5

    Sharlene Teofisto

  16. 5 out of 5

    Nino Mejia

  17. 4 out of 5

    Nurjaina Pasil

  18. 4 out of 5

    Rai Keyri

  19. 4 out of 5

    Fredley Riman

  20. 5 out of 5

    RJ Alconaba

  21. 5 out of 5

    Angela Malvataan

  22. 5 out of 5

    books2thesky

  23. 4 out of 5

    Pturingan

  24. 4 out of 5

    Nicolo

  25. 5 out of 5

    Kraustex

  26. 5 out of 5

    Jay-ar Ditablan

  27. 4 out of 5

    Earl Labaguis

  28. 4 out of 5

    Kevien Patrick

  29. 4 out of 5

    Regina Ferrer

  30. 5 out of 5

    Steve Magay

  31. 5 out of 5

    Biena (The Library Mistress)

  32. 5 out of 5

    Joseph

  33. 4 out of 5

    Jennelle Anne

  34. 5 out of 5

    Vanesajoy

  35. 4 out of 5

    Pentel Evangelista

  36. 4 out of 5

    Toto Madayag

  37. 5 out of 5

    Sha Hernandez

  38. 4 out of 5

    Marie

Add a review

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...